Hay nako badtrip. Alam mo ba, tatlong araw nakong di nakaka-jebs.
Ang sama sa pakiramdam. Feeling mo may nabubuo ng komunidad sa loob ng katawan mo. Parang lahat ng bigat naka-pasan sa bumbunan ng "pink star" mo.
Matagal ko ng problema to, since highschool pa. Dumating nga sa time na na-adik ako sa Dulcolax kasi di talaga ako naje-jebs kapag wala nun. Saka ang sarap ng feeling kapag alam mong walang masamang laman yung katawan mo. Feeling sexy pa kasi flat na flat ang puson. Yeah.
Eh ngayon, wala akong mabilihan ng gamot saka parang ayaw ko rin. Ngayon kasi sa ibang bahay ako natutulog, parang namimili rin yung "pink star" ko ng tamang kubetang paglalabasan ng sama ng loob. Kahiya noh, maririnig yung mga sigaw ng pagtulong 'pag nagkataon.
Nako sana mamaya mission complete na.
Wednesday, October 8, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)