Thursday, August 7, 2008

PSP o HOLGA?

Malapit na yung 3rd sweldo ko pero di ko parin malaman kung anong pipiliin: yung matagal ko ng inaaasam-asam na PSP o ang nakakatakam na Holga Starter Kit.






Ang hirap kasing magbudget ng pera lalo na kung sasamahan mo ng 3x a week na inom sa labas.
Pati narin ng paglalaway sa porksilog ng Atoy's saka pagbili ng dalawang bars ng Likas Papaya buwan-buwan. Pucha ang mahal na ng Likas ngayon! Kung di lang sa pagnanasa kong pumuti man lang ng kahit kaunti di nako bibili nun e. (Kaya dalawang bars yan kasi pati kapatid at erpat ko gumagamit. Nauubos kagad. Akala nila di ko napapansin.)


Na-build up ko na kasi sa ermat ko yung PSP. Nung una kasi medyo umaayaw pa yun kasi nga, inunahan ko ng sabihan na medyo bawas na yung maibibigay ko sa kanilang monay kapag binili ko yun. Pero nung sinabi kong pwede kaming manuod ng movies, syempre maglaro ng games, magsave ng pictures at mag-internet eh biglang bumigay. Para naman daw may bago akong gamit sa bday ko.


Tas ngayon, sa kalagitnaan ng pangiti-ngiti ko habang nag-iisip na magkakaron nako ng PSP, bigla akong pinakilala ng pinsan ko kay Holga Starter Kit. Actually, marami pang iba nyan.
DITO.
Parang biglang kinalabit yung matagal ko ng nananahimik na FRUSTRATION na makakuha ng magagandang pictures. haha! Umpisa na lang muna ako sa LOMO. Di pa kasi ako marunong mag-edit. Wala kasi kaming PC. Wawa naman.


Ang hirap pumili. Well, di 'to mahirap kung hindi kulang yung pera ko.
Ewan ko ba, parang may "pagmamadali" factor kasi. Parang gusto ko ng bilhin yung dalawa habang maaga. Hindi dahil sa parang gusto-ko-lahat-ng-bagay-akin-as-in-ngayon-na pero kasi parang matatanggal ata ako sa trabaho.

Hehe.

Kaka-evaluate lang kasi sa performance ko ngayon e. Sabi ni bisor parang may pag-aalinlangan sa pagre-renew ng contract ko. Basta kwento ko na lang next time.
Teka. Trabaho muna ako ng maayos.












4 comments:

Anonymous said...

sus! hindi yan... hindi lang siguro ikaw kasing seryoso tignan tulad ng mga iba. syempre, bata pa naman kasi ikaw. basta maayos naman ang performance mo, ok yan. don't be sad. It's ur birthmonth. besides, may one month pa para bumawi. :)

Ako, pipiliin ko yung PSP.

mousekey said...

kasi pag psp two months to go pa. pag holga, meron agad.

sabi nga nun iba nananakot lang si bisor eh. para mejo umayos naman daw ako. hehe

Anonymous said...

holga. kasi pwede pang bumagsak ang presyo ng PSP, yung holga steady lang. :D

mousekey said...

shet. isang buwan ang nakakaraan wala parin akong holga o psp.