Friday, September 26, 2008

Bulaga!

Nakita ko na cellphone ko.

Eto ang mga may sala:
Ate Hazel (aka Maui Taylor)

Bijan (aka Bijan)


Mga pinsan ko yan. Ka-trabaho ko rin.
Putik tinago pala nila yung ponelya ko!!!
Para daw yun turuan ako ng leksiyon. Kung san-san ko lang kasi iniiwan fone ko e.
Matinding trauma yun dinulot nyang "leksiyon" na yan pards!


Kagabi kung ano-anong papuri yung sinabi sakin ni erpat dahil sa "pagka-wala" ng selfone na di naman akin. (kay mama kasi yun)

Tatay:(pa-kemeng natutulog tas nung narinig na ikinukwento ko kay mama biglang sumabat) Ano, nawawala yung cellphone?!?
Mau: Opo. Dun lang naman yun sa table tas biglang nawala.
Tatay: Ayan na nga bang sinasabi ko! Kahit kailan talaga di ka pwedeng iwanan ng gamit na matino! Lahat na lang winawala mo!
Mau:Eh hindi ko rin naman gustong mawala yun e.
Tatay: Andami mo ng cellphone na nawala! Lahat ng calculator mong mahal winala mo rin!
Mau: KAHIT KELAN DI PAKO NAWALAN NG CELLPHONE!
Tatay: Ewan ko sayo ang tanga-tanga mo.
Mau: Salamat.


Shet diba? Isa lang kasalanan ko dumami na. Ganun talaga sa bahay. Lahat minu-multiply.

2 comments:

Chiqui Pablo said...

Kung ganun eh di kunin mo ding patago yung fone ni tito tatay (aka look-alike ni Marcos) para maturuan din ng leksyon!

love,
butetenglaot

mousekey said...

Dear Butetenglaot,

Mukhang malabo yan. Mabibiyayaan ako ng rumaragasang "I Love You" nyan pag nagkataon.

Lovelots,
mouse